Lahat tayo ay gustong magkaroon ng maganda at malusog na katawan. sa panahon ngayon mahirap ng magkasakit bukod sa mahal bayad sa ospital at mahal ang gamot maari din tayong hindi makapasok sa ating mga trabaho. mas mabuti na ang nag-iingat para makaiwas sa sakit. Pero may mga sakit na hindi talaga maiiwasan. Sa kabila nito, may magagawa ka para hindi ka madaling tablan ng sakit. Isaalang-alang ang limang bagay na puwede mong gawin ngayon para maging mas malusog.
- Maging malinis
Ang kalinisan ang isa sa pinaka mahalagang dapat gawin, Maging malinis hindi lang sa pangangatawan dapat maging malinis din tayo sa ating kapaligiran. Wag natin kalimutan na maghugas ng kamay kapag tayo ay humawak ng pera o ano mang bagay na alam natin na maari tayong makakuha ng sakit.
2. Úminom ng 8 hanggang sampu araw araw
Kailangan ng ating katawan ang 8 hanggang 10 basong tubig sa maghapon. Nililinis ng tubig ang mga dumi natin sa katawan. Makaiiwas tayo sa bato sa bato (kidney stones) at impeksiyon sa kidney. Nakababawas din ng pangangasim ng sikmura ang tubig.Sa mga kababaihan, uminom ng sapat na tubig para hindi kumulubot ang iyong mukha. Panlaban sa wrinkles ang pag-inom ng tubig.
3. Kumain ng masustansyang pagkain
Para maging malusog, napakahalaga ang tamang nutrisyon, at para sa tamang nutrisyon, kailangan ang masustansiya at balanseng pagkain. Baka kailangan mong suriin ang asin, taba, at asukal na pumapasok sa iyong katawan, at kontrolin ang dami ng iyong kinakain. Kumain ng iba’t ibang klase ng prutas at gulay.
4.Mag- ehersisyo
Pumili ng aktibidad na maeenjoy mo . Puwede mong subukan ang basketball, tennis, soccer, brisk walking, pagbibisikleta, paghahalaman, pagsisibak ng kahoy, paglangoy, pamamangka, jogging, o iba pang aerobic exercise.
5.Magkaroon ng sapat na tulog
Hindi dapat bale-walain ang pagkakaroon ng sapat na tulog. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang sapat na tulog para sa
- Paglaki ng mga bata at tin-edyer.
- Pagkatuto at memorya.
- Pagpapanatili ng tamang balanse ng mga hormon na nakaaapekto sa metabolismo at timbang.
- Malusog na puso.
- Pag-iwas sa sakit.





